Extra Judicial Killing
Extra
Judicial Killing
Pangkat 7
Olanda, Bianca
Calo, Krizza Mae
Oliver, Jerric
Rapal, Sheila
Isinulit kay:
Ginoong Ayala
Hunyo 27, 2017
Paksa: Extra Judicial Killing
(EJK)
|
Elemento ng
Komunikasyong Teknikal
|
Pagtatalakay
|
|
Awdiyens
|
Mamamayang
Pilipino, Biktma ng EJK at Pangulong Rodrigo Duterte
|
|
Layunin
|
Maipabatid
ang pagkontra at panawagan ng mga Pilipino at
|
|
Estilo
|
Agumentatibo,
Pasulat
|
|
Pormat
|
Pablog
|
|
Sitwasyon
|
Dahil
sa dumaraming pangyayari ng EJK
|
|
Nilalaman
|
Ang
mga nakalap na impormasyon at ebidensya kung ano ang dahilan sa pangyayaring
ito
|
|
Gamit
|
Upang
lubos na maunawaan ang EJK
|
Maraming
tao na ang kumokontra sa araw-araw na krimeng nagaganap sa ating bansa na
nagdudulot ng takot sa ating mga mamamayan, Ngunit sa pagdami ng nahuhuling
gumagamit at nagtutulak ng bawal na gamot ay ganoon din karami ang namamatay ng
hindi dumaraan sa tamang proseso at pagpataw ng sapat na parusa. Hindi rin
maiwasang marami ang nadadamay na inosente at napagbibintangan lamang sa
krimeng sangkot ang droga kung kaya't nagsagawa kami ng mga argumento upang kontrahin ang
lumalalang isyung ito.Ano-ano nga ba ang tunay na saloobin ng mga mamamayang
Pilipino ukol sa pagsagawa ng kautusang ito?Ano-ano ba ang mga isyung
nakapaloob ayon sa nasiyasat ng mga manunulat?
Kapayapaan
at katarungan ang nais ng mga mamamayang Pilipino para sa ating bansa.Ngunit
nagsimula ang salot sa lipunan dahil sa ipinagbabawal na gamot na siyang
sumisira sa buhay ng bawat isa. Droga ang isa sa itinuturing na sakit ng lipunan
na kinakailangang puksain at bigyang solusyon. Kung kaya’t ito ang agarang
binigyang-pansin ng Pangulong Duterte matapos niyang maluklok bilang pangulo ng
ating bansa. Ayon sa isa sa pahayag ni
Duterte laban sa usaping kontra-droga, isiniwalat niya ang mga katagang “Shoot
To Kill Order” bilang karampatang parusa sa sinumang mahuhuling nagtutulak ng
droga. Ito ay isa sa mga solusyong
nagpapalakas sa nauna niyang kampanya pa man siya maging pangulo ng bansa ang tinatawag
niyang “War on Drugs”. Ngunit ang pahayag na ito ay hindi nabigyang linaw kung
kaya’t ang pagsasagawa ng batas ay hindi dumaan sa tamang proseso. Maraming tao
ang nag akalang maaring sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay kapag
napag-alaman itong isa sa nagpapatunay ng krimen o nakitaang nagbebenta ng
bawal na gamot. Sa pahayag na ito nawalang halaga ang mga batas na umiiral sa
ating lipunan at mas dumami ang karahasang nagaganap imbes na ito ay mawala.
Ang Extra Judicial Killing ay pagpatay ng
isang tao sa pamamagitan ng mga awtoridad ng gobyerno ngunit hindi dumaan sa
pagsasagawa ng legal na proseso. Ang ekstradyudisyal na kaparusahan ay
kadalasang nagpapakita ng hindi pagiging makatao o hindi etikal, sapagkat hindi
nila sinunod ang angkop na proseso ng legal na saklaw kung saan nangyari ito.
Bagaman ang mga konstitusyon ng maraming demokratikong bansa ay nagpoprotekta
sa mga pinaghihinalaang kriminal may mga kalagayan kung saan ang mga
nagpapatupad ng mga batas o mga iba pa ay kailangang gumawa ng karahasan tulad
ng sitwasyon na kung saan ang sitwasyon ay sila ang sinalakay.
Ayon sa naitalang datos, mahigit
7,000 na ang napapatay na drug pusher, user at inosentang sibilyan sa
administrasyong Duterte. Kung ito ay magpapatuloy, inaabot sa 700% pa ang mamamatay
at mahihigitan nito ang kaso ng EJK sa 14 taong diktatoryal na pamumuno ni
dating pangulong Marcos.
At
dahil sa kautusang ito ay mapupuksa na ang masasamang loob na nagkalat at
itinuturing na salot sa ating lipunan ngunit naisip ba nating lahat sila ay
masama kung ang iba ay napagbibintangan lamang? Marami na ang namatay na
sadyang walang kasalanan ngunit wala ni isa man sa kanila ang nabigyan ng
hustisya kaya’t masasabing hindi solusyon ang karahasan para sa katarungan.
Sabi nga ng matatanda “Kailan man hindi maitatama ang isang pagkakamali nang
isa pang pagkakamali"Halos karumal-dumal na pagpatay ang mga nababalita
ukol dito kaya’t nararapat lang na bigyang pansin at solusyon ng naaayos sa mga
konstitusyon and problemang ito.
Nagsagawa
ng prescon at manipesto kontra EJK na pinirmahan ni Chito Gascon (CHR)
Chairperson. Ang CCHR (Citizens Council for Human Rights) tungkol sa malawakang
pagsasagawa ng brutal na pagpatay. Ang CCHR ay grupo ng NGO, PO, Human Rights
Lawyer at sector ng relihiyon, na nagsama-sama upang depensahan at ipahayag sa
lahat ang karapatang pantao. Nananawagan sa administrasyong Duterte ang CCHR
para itigil and pagpatay sa mga pinaghihinalaang mga kriminal at mga kaugnay na
mga nagkasala ng droga, mahigit na page pagbabawal sa mga ehekutibong local
Government Unit at sa mga nagpapatupad na batas ng pamamaraan ng paghigirap at
di makataong paglaban sa krimen at droga, pagkakaroon ng bagong reporma sa
sistema ng pagkamit ng hustisya.
‘Inaasahan
namin na ang laban kontra droga at krimen ay maisagawa sa ilalim ng
Konstitusyon at nagbibigay galang sa karapatan ng tao sa lahat ng oras.” ani ng CCHR.
Mula sa
pinahayag ng CHR na umaasa silang maisailalim sa tamang proseso ang tamang pag
lalapat ng parusa upang maigalang ang karapatang pang tao kaya't nararapat
lamang isaalang-alang ang mga batas ukol
sa karapatang pantao upang mabigyan ng tamang pag papataw ng parusa ang lahat
ng mga nagkakasala. Nararapat lamang ang laban kontra droga sa krimeng ito
ngunit may mganakaatang sapat na proseso para dito kaya't wag nating pangunahan
ng mabilisang pagpatay ang pagbibigay ng kaparusahan. Anupat nariyan ang mga
batas at korte para mabigyan ito ng tamang pamamaraan upang mabigyan ng tamang
hustisya para sa krimeng nagaganap ngunit sa mga karahasang nangyayari ay
natatapakan ang mga karapatang pang tao.Marami lamang ang na dadamay at sadyang
napapahamak na mga inosente kung ipag papatuloy ito patuloy ring madaragdagan
ang bilang ng mga namamatay .
" Nagaganap ang nga atakeng
ito sa karapatang pantao at kalayaang sibil sa kabila ng mga garantiya sa mga
pambansa at internasyonal na batas sa karapatang pantao. Nananawagan kami sa
lahat ng Pilipinong nagmamahal sa kalayaan na labanan ang panunupil na ito sa
mga aktibista gaya ng buong lakas nating pagtutol sa ekstrahudisyal na mga
pamamaslang, "
Ayon sa ipinahayag ni Guerrero
nais niyang humingi ng kalayaan para sa mga mamamayang Pilipino na labanan ang
isyung ito kaya't nararapat lamang na itigil and mga mararahas na patayan at
bigyang pansin ang karapatang pantao. Dapat ding isulong ang mga kampanya na
hindi natatapakan ang karapatan at dignidad ng isang tao maging kriminal man
ito ay nararapat na bigyang respeto sapagkat maaari pa naman silang magbago
kaysa sa marahas na paraan ang pagsupil sa droga at karahasan bakit Hindi
nalang pagtibayin at isaayos ang sistema ng rehabilitasyon dahil sa maraming
Pilipino ang mahihirap lamang at hindi makayanan ang serbisyo ng rehabilitasyon
, bakit hindi na lang natin gawing pantay-pantay lang para sa mahirap at
mayayaman ang ganitong uri ng rehabilitasyon ng sa gayon ay makatulong ito
upang mabago at maitama ang naliligaw sa landas na ating kapwa Pilipino.
Sa magkakaibang pananaw at
paniniwala, nagkakaisa ang ating mamamayan sa pagtataguyod ng mapayapang
pamayanan, pagkakaroon ng disenteng diskusyon hustisyang para sa lahat,
paggalang sa karapatang pantao , pagpapatibay sa programang rehabilitasyon
mahigit na pagpapatupad ng batas at pagpaparusa sa legal na proseso bagamat kumikilos
ang ating gobyerno upang labanan ang droga, Dapat Hindi parin maabuso ang
kapangyarihan at isantabi ang batas at xproseso sa pagpaparusa sa mga krimeng
may kaugnayan sa droga.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento